Mga Pahina

Miyerkules, Agosto 29, 2012

ang kwento ng mga Idolo

Kriiinngg!!

Tunog ng mga alarm clock na saktong sabay-sabay na nagtunungan noong umaga ng hunyo taong 2006.First day of class, at first day din sa high school ng mga batang freshmen.
Maaga silang nagsipag-gising dahil sa kasabikan sa unang araw.Walang kamalay malay sa mangyayari sakanila sa loob ng halos apat na taon sa sekundarya.
Dumating ang isang batang lalaki na kahit bata pa’y tinubuan na ng mga bigote’t balbas,may katangkaran, maitim, at animo’y tambay lamang na papasok sa eskwelahan -siya si Christian John ang Korni ng grupo.”nung una kitang nakilala di man lang kita napuna, di ka naman kasi ganun kaganda diba?”,kanta ng isang mapormang bata na mag aaaral din sa naturang paaralan, maliit, maputi, at puro tigyawat ang mukha- siya si Anthony ang loveless ng grupo. “opo mama!”, pasigaw na sumagot ang isang bata sa kanyang nanay habang papasok sa eskwelahan, maliit ,payat, kuripot, malaki ang ilong, at may katinikan sa chicks –siya si Carlo ang indian sa grupo.
Maagang nagsimula ang klase ng first year section 2 noong unang araw na yun.Nangangapa pa sa bawat isa.Walang kakila-kilala, walang masasandalan, walang matatanungan at walang mga pera.
Nagpakilala ang bawat isa, may mga nahihiya, at may garapalan kung magpakilala.Nagpakilala na rin isa isa ang tatlo,at yun, garapalan nung nagkwento,astig.
Iniayos ang mga upuan ayon sa kanilang mga apelyido.Hindi sila nagkakatabi kahit magkakasunod pa ang kanilang mga apelyido, alternate ang naging sistema,kaya sa bawat pagitan nilang tatlo ay mga babae.
Pakilala.
Reminders.
Batas sa School.
Assignment.
Ting! Ting! Ting!. Natapos ang napakamakabuluhang unang araw sa first year.Hindi nila namalayan ang oras dahil sa mga pangyayari.
“okay class.See you tommorow”, pasigaw na binanggit ni mam Vargas –adviser ng I-2
At diyan natapos ang unang araw. At isa isa narin umuwi ang tatlo.
At may isang taong himbing na himbing pa rin sa pagkakatulog sa mga oras na yun.
Kinabukasan.
Naging maayos ang takbo ng mga unang linggo ng eskwela. Nagkakilala na rin ang mga magkakaeskwela.
Nagkakilala na sila Christian at Anthony dahil sa hindi sinasadyang paghiram ni Christian ng pantasa ng lapis kay Anthony. “Tol! salamat”, wika ni Christian. Naging maayos ang pagsasama nila. Nagkapalagayan sila ng loob sa isa’t-isa at kung titingnan mo ay mukhang magjowa.Lagi silang magkasama.Nagtabi na rin sila ng upuan kahit labag sa batas ng paaralan ang paglipat ng upuan.Sabay sila kung mag-recess,mag test at mag CR.
Habang magkasundo na ang dalawa, si Carlo na kunwari’y emo ay nanatiling tahimik sa kanyang upuan at kinakausap ang kanyang katabing lalaki na si Chrisper na kung aakalain mo’y aso. Malungkot si Carlo, dahil wala siyang makasama, at masaya dahil nawala sa paningin niya si Chrisper.
Natapos ang mga ilang buwan na magkaibigan sila Christan at si Anthony at mag-isa si Carlo.
Nagkakilala na ang tatlo, si Christian,Anthony at si Chrisper ,este si Carlo pala. Naging maayos naman kaya lang hindi si Carlo masyadong napalapit sa dalawa dahil sa kaibahan ng ugali ng mga ito.
Dumaan ang mga buwan at unti- unti nang nauubos ang mga oras na kanilang ilalagi sa unang taon.Naging maayos ang kanilang mga grado. Matataas, malulupit, magagaling, matanglawin. Matatalino pa sila nung mga taon na yun.
At dumating na ang huling araw ng klase. Walang iyakan, pero maraming sama ng loob. Masaya ang naging huling araw, maliban sa pagbibigay ng sermon ng kanilang adviser na siya daw ay isang fraternity member noong araw.So?.
Top 13 si Christian, Top 13 din si Anthony at Top 8 si Carlo. Angas. At dahil sa natamong tagumpay nagsaya ang mga magkakaklase. Nag mall at umuwing may ngiti sa mga mukha. YEHEY.!!
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Labinglimang araw bago nila nakuha ang resulta ng kanilang paghihirap.
Naunang dumating si Anthony na nakapambahay. May kabang kinuha ang Card. Sandaling napatigil ang oras niya at napatili sa nakita. Section 1 ako next year!. “eh ano ngayon?.”tanong ng isa nilang KJ na kaklase sakaniya. At kahit nabadtrip ay bakas na bakas ang ngiti sa kanyang mukha. Napagpasyahan niyang hintayin ang kanyang kaibigan na si Christian upang ipagyabang ang kaniyang seksyon.
Dumating si Christian. Nakalimutan na niya ang kaniyang room na papasukan, “Xian dito!”,buti na lamang at tinawag siya ni Anthony sa kabilang kwarto. Kinuha na rin ni Christian ang kaniyang Card, pinagpapawisang nakapikit ang mata niyang tiningnan ang kaniyang seksyon.”Oh my Gosh!, sekyon 1 din ako!”,napasigaw siya ng malakas. “Bakla!”,sigaw ng isang batang nasa labas nang narinig ang kanyang sigaw .At kahit may etsusera sa labas, ay pinagpatuloy niya pa rin ang pagsigaw dulot ng kaniyang natamong tagumpay.
At lumabas na ng paaralan ang dalawa na nakasabit sa leeg ang Card at pumunta sa pinakamalapit na Computer Shop.
Dumating si Carlo na nagkukumahog,huli na siyang dumating at nangangambang hindi na niya makukuha ang kaniyang Card. “Maam!”, sigaw niya, wala siyang nakitang tao sa loob ng kwarto. “pssst”, may tumawag sa kanya, natakot siya. “hoy Carlo! Ba’t huli ka na?.”tanong ni mam Vargas. Nasa labas pala si mam. Pagkatapos ng kaunting paliwanag kung bakit sya nahuli ay iniabot na rin ng guro sa kaniya ang kaniyang Card. At hindi na rin siya nagulat sa nakitang seksyon. “WHAAAAAAAATT? section 1 ako”, walang kagulat gulat na sigaw ni Carlo. “O.A mo ha,Sobra yun.”,sabat ng isang baklang mag aaral.umuwi na rin sya sa bahay at natulog.
At doon natapos ang buhay freshmen ng tatlong bata.




autumn



Krriiiiiinngg!!

Maaga na naman gumising ang tatlo. Sabik na sabik sa papasukang bagong kwarto. Maaga silang nagsipasok. Tuwing unang araw lang yun.
Unang dumating si Anthony na may bagong sapatos. Pumili ng upuan at tumabi sa mga dati na nyang mga kaklase. Nanahimik muna upang magpakitang tao sa ibang chikkas.
Dumating na rin si Carlo at pumasok sa room na iyon. Tumabi kay Kevin, isang matalino ngunit bastugang bata. Nakipagkwentuhan tungkol sa nagdaang bakasyon.
At dumating na rin ang kaibigan ni Anthony,si Christian. At tulad ng dati wala pa ring nagbago sakanya,maliban sa mas kumapal ang bigote nito. Umupo siya sa tabi ni Anthony at ginulat ang nakatulalang kaibigan. At sila’y nagkwentuhan at nagkwentuhan.
Unang araw na naman nila sa eskwelahang iyon, ngunit ngayo’y iba na dahil iba ang kwarto, iba ang lugar at iba ibang mukha ang kanilang nakikita. Sa L.T.O. annex sila nag-aaral ngayon,annex na kung saan mararanasan mong magpawis kahit nagyeyelo na sa labas.
Nagsimula na ang mga unang gawain, mula sa pagtaas ng bandila hanggang sa pagsayaw ng CALABARZON march.
Sa kabilang annex nang paaralang nasabi, ay ang isa pang annex ng paaralang iyon. Ang Karangalan annex. Annex na kinabibilangan ng mga sophomores na batang pinagkaitan ng sipag at tiyaga.May isang pangalang umuusbong sa annex na iyon dahil sa kaniyang katalinuhan DOON, kagwapuhan DOON, kabaitan DOON, at kataasan DOON. Siya si Jose Joshua, transferee mula sa Scholastica, mabait at malakas ang appeal, DOON.
Nagsimula na ang klase sa LTO at Karangalan, napuno ng saya at kaba ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng bawat isa.
Sa LTO, nagpakilala na ang bawat isa, at syempre hindi papatalo ang tatlo, nagpakilala sila ng buong tapang at pagkatapos nila ay isang malakas at dumadagundong na pambara ang ibinalik sakanila. ‘WEEEEEEEEEEHHHHH”,at dahil doon, nagmistulan silang taeng binaha ng bagyo.
Unti-unting nakapagpalagayan ng loob ni Carlo ang mga II-1, dahil ang iba dito ay dati na niyang kaklase noong elementarya pa lamang siya. Marami siyang naging kaibigan at natuwa sa pakikibagay niya sa mga ito.
Hindi naging maganda ang kalagayan ng tatlo sa seksyon na ito, lagi silang nangungulelat, lagi silang bagsak,hindi sila nagpapasa ng mga gawain, hindi nila sinusunod ang utos ni mam Beltran, ang kanilang adviser. Ang tanging sinusunod lamang nila ay kanilang peborit na si mam Catarongan.
Ngunit kahit ganun ay ipinagpatuloy pa rin nila ang pag aaral, salamat na lamang at nandiyan ang kanilang mga kaklase upang barahin sila sa mga discussion.
Naging maayos ang pakikitungo nila sa mga bagong kaklase, at tinanggap naman sila at naging founder ng mga kaguluhan sa room na iyon. Sila ay napaloob sa grupo ng seksyon na iyon na tinatawag na Kropeck Sovereign Club kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang Sovereign. Naging masaya sila sa grupong iyon. At nalaman nilang tao rin pala silang maituturing.
Sa karangalan.
Balitang balita si Joshua dahil sa pagkakasangkot sa away mag aaral, away ng mga gangster na paslit, laging dala ni joshua ang kaniyang balisong upang maging handa sa pakikipag away. Dumating ang mga kaaway at nagyaya ng laban, tinanggap ng kampo nila Joshua. Hindi pa nagsisimula ay pinagdadampot na sila ng mga guro sa annex na yun, at dahil malakas si Joshua sa lugar na yun, pinabayaan na lang siya at pinapasok sa silid aralan, at ginamit na lamang ang balisong pangbukas ng RC.
Balik sa L.T.O.
Dahil sa tumatanda ang mga bata at nagkakaisip, natuto na rin magmahal ang magakaibigan, pero puppy love lang. Si Anthony ay napabalitang nililigawan daw si Jesselyn- 18 taong gulang na kanilang kaklase. Ngunit napabalita din na binasted siya nito at ngayo’y si Elza Diane naman ang pinupuntirya.
Si Christian naman ay nagkakaron ng palihim na pag-ibig kay Kristine Joy na kanyang seatmate, lagi niya itong binibilhan ng pagkain sa recess, at hindi umuuwi hangga’t hindi umuuwi ito.
Si Carlo, ang dakilang Torpe, limang taon nang nililigawan si Donna Rose –first love niya, eh pano naman siya sasagutin nito eh wala naman siyang ginagawa,Torpe kasi eh.
“okay class, may gaganaping dramafest ang sophomores ng LTO,kaya nangangailangan ng magpeperform sa araw na yun”binalita ng aming guro. Agad pumisik ang balitang iyon sa kanilang mga tenga, lalo na sa tatlo.
“sayaw nalang tayo”sabi ni Gabrielle Marie Consuelo –kaklase nila na bago mo masabi ang buong pangalan eh uwian na.
At tinanggap nang tatlo ang alok na pagsayaw dahil likas sa kanila ang pagiging talentado.
Nagpapraktis sila tuwing hapon, masaya ang bawat minuto ng praktis.
At dahil doon, nagkakila-kilala na ng husto ang tatlo at naging magkakabigan at lagi na sabay kumain sa tapsihan.
Ilang buwan nilang pinraktis ang sayaw na huhubog sa kanilang pagkatao. Ilang buwan din silang nagkasamang tatlo sa praktis na yun.
At dumating ang araw ng pagtatanghal, suot-suot ang nga damit pangsayaw, umakyat sila sa stage nang buong ngiti.
“somebody blah blah”at tumunog na ang speaker at sila’y sumayaw na nang lubusan.
“Natapos na rin sa wakas”, natapos na ang sayaw.
Malaki ang ginampanan ng sayaw na ito sa kanilang pagkakaibigang tatlo,ito ang naging daan tungo sa pagkakalapit-lapit nila.
Natapos na ang araw na yun. At nagsimula ang isang bagong usbong na pagkakaibigan.
Isang buwan..
Dalawang buwan..
Tatlong buwan.
Ayos ang naging samahan nila. Naging masaya sila. Pagdating sa eskwela, kuwentuhan.
Tiiiiiiinnnggg!!.
Pinatunog na ni Angelo Daniele ang bell na hudyat na nang uwian. “Tonying!, Xian, WARROCK tayo!”, sabi ni Carlo sa dalawang kaibigan na agad namang umoo.
“ayos! Ate, tatlo nga pong seats, magkakatabi ha, tig two-two hours.”, sigaw ni Anthony sa kahera ng computer cafĂ© sa Rublou na paborito nilang pagcomputeran. Ganyan natatapos ang araw sa magkakaibigang ito. At pag-uwi, kanya-kanya rng paliwanag sa mga magulang kung bakit late na umuwi na bahay.
“Joshua!, tulungan mo nga ako dito sa mga dala ko.” , sabi ng kanyang guro. At dahil likas kay Joshua ang pagiging matulungin sa harap ng IBANG tao, tinulungan nya ng bukal sa puso ang kanyang guro.
“salamat Joshua ha”, sabi ng guro.
“Okay lang po mam”, sagot niya at pagkalabas ay palihim na minura at nag dirty finger sa guro.
Naging maayos ang pag aaral ni Joshua, nagsipag siya at namigay ng pagkain sa kanyang mga guro.Tumaas ang grado niya, na ikinagulat niya.
Samantala sa L.T.O
“haysss, baba ko sa Card lagot na ako nito kay mama”malungkot na sinabi ni Christian.
“basta mag-aaral ako”, sabi ni Carlo.
“Ilang beses mo nang sinabi yan eh fourth Grading na tol”.sigaw ni Anthony.
Blah..
Blah..
At dumating na ang paghuhukom.
Last day na ng sophomores day!. Last day na rin ng kanilang paghihirap sa mga suliranin sa Math.
Malungkot man ay natanggap na nila na bababa ang kanilang seksyon sa susunod na taon. At umuwi na sa kanya kanyang bahay at inunahan na na sinabi sa mga magulang na bababa ang kanilang seksyon kahit hindi pa nakikita ang Card.
Nga pala.
Naging maganda ang kinalabasan ng lovelife nila.
Si Carlo, napasagot ang pers lab na si Donna Rose kaya lang ay nagbreak din kamakailan dahil pinagpalit siya sa iba. ohwww.. How sad., Pero nagkaroon siya ng bagong GF, si Sarah Jane.
Si Anthony, Nainlab kay Lady Daryll, kaya lang wala siyang nasabi kung hindi, “Hi” at “Bye”, oh diba, so inspiring.
Si Christian, ah. Ano nga ba nangyari sa lab layp nun?.wala never mind.
Sa Karangalan.
Maagang natapos ang last day ng kanilang klase, at masayang umuwi si Joshua sa kanilang bahay.
Mga ilang gabi ng pagdadasal ang dumaan at dumating na ang kuhaan ng Card.
Halos magkakasabayan lang silang dumating at sabay sabay na rin kinuha ang Card kay mam Beltran.
Isa isa na nilang kinuha at sabay sabay na rin nagtinginan ng Card.
“Yun, classmate, ahaha!”,sabi ni Carlo.
“Section 1 pa rin kayo?”,tanong ni Hazel.
“asa pa kayo!, section 2 na kami!”,sigaw ni Anthony.
At ayun, natunghayan ng sambahayan ang pagiging malupit ng tatlo sa ibang tao. Kahit na bumaba ang seksyon nila ay sama-sama pa rin sila. Sa hirap man o ginhawa.
At dahil dun.
“okay!, computer tayo!” sabi ni Christian.
“sure”, sang-ayon ng tatlo.
At diyan natapos ang napakamakabuluhang taon ng 2nd year.
Si Joshua nga pala.
Ayun, section 2 na next year.
Section 2?.DOON





Spring


Tututut tutut tututut..!!

Nagring ang cellphone ni Carlo.
“gud mornin’ guys, pasok na tayo school, juniors na tayo!. Ang saya. Txtbck._ GM_xianzkie.”, GM ni Christian sa madalangpeople.
Natanggap rin ni Anthony ang text ni Christian habang pinapakinis ang kaniyang sapatos.
Alas nuwebe pa lang ay kumilos na agad ang tatlo kahit ala una pa ang klase. Excited kasi.
Nagsipasok na sila.
Si Carlo galing Floodway, Si Christian galing sa Singer at si Anthony ay hindi mo malaman kung saan galing dahil palipat lipat ng tirahan. Sa daan nakita nila ang mga estudyanteng tuwang tuwa sa pagpasok at sabik na sabik.
Nagkita kita sila sa may tindahan ng school supplies sa labas na napakalaki ng tubo sa paninda. Nagkuwentuhan sila tungkol sa kanilang bakasyon at bagong taon.
“third Year Section 2!.pasok na po kayo.”, sabi ng isang guard na kalauna’y tinawag na Peter Pan.
Mahinahong pumasok ang tatlo sa kanilang silid aralan at pinagtinginan ng iba nilang kaklase. Umupo sila sa unahan dahil sila’y may likas na kakapalan.
Nagkwentuhan sila sa kwarto na parang walang ibang tao bukod sa kanila. Isa isa nilang tiningnan ang kanilang makakasama ng halos sampung buwan at sila’y nagulat sa mukha ni Ricardo.
“Okay Good Morning Class”, sabi ni mam..?
“Good Morning Mam?…Mabuhay!”,sagot ng mga estudyante.
“oh by the way, I’m..”sinulat ang buong pangalan sa pisara.
Ms. Nova P. Cruz, yan ang pangalan ng kanilang adviser, tunog heavenly body no?.
Isa siyang teacher in English, mabait, masayahin at palangiti.
Iniayos niya ang lahat batay sa pagkakasunud-sunod ng apelyido, at ngayon, magkakahiwalay ang babae’t lalaki, ayos!.
Kaya iyon, magkakatabi sila this time. Animan kada row. Ka-row namin si Gian Carlo na napabalita na manduruya daw, si Aldrin na may pagkagirl ang sistema at si Delfino, malupet sa gitara, kaya laging absent.
“Just say present if you’re here”, ani ng adviser.
“Alfaro III, Jose Joshua C.”,tawag ng guro na agad ikinatawa ng magaaral dahil sa baho ng pangalan.
“Absent po Mam!”,sagot ng isang mag aaral.
Nagpatuloy tuloy ang gawain hanggang sa..

EEEEEHHHHH..
Uwian na.
Halos Ala-sais na nang sila’y pauwiin. Napagpasyahan nilang tatlo na magsabay sabay pauwi.
Sumakay sila at nagpaalam sa isa’t isa.
Diyan natapos ang unang araw nila sa juniors life.
Natulog.
Gumising.
Sa eskwelahan.
May isang baong mukha ang nakita sa III-2 na pumasok sa kanilang klasrum. May itsura, tahimik, mukhang mangmang, at may pagka half moon ang mukha.
“Inaanyahan na po ang lahat na maaari lamang po ay lumabas ng kani- kanilang classroom para sa pangunahing gawain”, tinig na nanggagaling sa garalgal na speaker ng Rosepack.
Lumabas ang estudyante ng III-2 kabilang ang tatlong magkakaibigan.
“sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen”, nanahimik na ang mga mag-aaral para sa pagdarasal.
“Bayang magiliw, perlas ng silanganan..”pambansang awit naman.
“itaas po natin ang ating kanang kamay at sabay-sabay bigkasin ang panatang makabayan”, at sabay sabay itinaas ng mga estudyante ang kanilang kanang kamay.
At kasunod pa niyan ang ilang sayaw ng kanilang lugar.
CALABARZON march, Rizal Mabuhay, Bagong Cainta, at ang himno ng kanilang paaralan.
At natapos na rin ang exercise nila.
“Pumasok napo ang lahat sa kani-kanilang silid aralan ang lahat”, sabi ng speaker.
Pumasok na ang lahat ng estudyante kabilang na ang tatlong magkakaibigan.
At nagsimula na sila sa isang ordinaryong araw ng pagtuturo.
“oh buti naman Joshua at pumasok ka na, akala naming eh eextend mo pa ang bakasyon”, sabi ni Mam Nova.
Si Jose Joshua C. Alfaro III pala ang dumating kanina, agad siyang pinaupo sa harap dahil letter A ang apelyido niya, nasa likuran niya si Anthony na sa oras na yon ay nagcucuticle.
Sa paglipas ng mga araw, naging maayos ang pakikitungo ng tatlo sa kanilang mga kaklase. Naging Masaya ang lahat sa kinabibilangan nilang seksyon.
Lalong tumibay ang samahan ng tatlo.
Sa pagdaan ng mga araw at pagdaan ni mamang wheelchair na nagtitinda ng turon at lumpiang toge sa labas, naisipan gumawa ng pangalan ang tatlo para sa kanilang grupo.
“dapat yung bagay satin”,sabi ni Carlo.
“The Three Muskeeters”,sabi ni Christian.
“ang baho pakinggan, eh kung Christmas Three?”, sabat ni Anthony.
“ewww!, ano tayo simbolo ng kapaskuhan?.”,kantyaw ni Christian. Napasin ng dalawa na mataimtim na nag-iisip si Carlo ng ipapangalan sa grupo nila.
“dapat yung nandun lahat ng pangalan natin”, sagot ni Carlo.
“eh di Christian and Friends”, pagmamalaki ni Christian.
“yuck!, mukang Barney and friends, tsaka ano ka bida?, lahat nga tayo nandun eh”, sagot ni Anthony na may onting inis at pag-irap.
“eh kung, Ca..Car..Th..Thon..i..ian.,alam ko na!, CARTHONIAN..!”, sabi ni Carlo na may pagkagalak.
“ang panget!, mas maganda kung…ahhmm. CARTHONIAN..!”, sabat na naman ni Anthony.
“oo nga ‘tol!, ang ganda!”, sabi ni Christian kay Anthony.
At diyan sila nagkaroon ng pangalan, bagamat si Carlo talaga ang nakaisip ay wala na siyang magagawa dahil mahal niya ang kaibigan niya, kaya pinabayaan na lanag niya.
CarThonIan, isang pinagsama-samang pangalan mula sa CAR-CARlo, THON-anTHONy at IAN-christIAN, na hindi pa rin nila alam kung bakit nila naisip gamitin yun.
At dahil may pangalan na sila, at may originality na sila. Mas pinakapalan pa nila ang kanilang mga mukha.
Ang carthonian ay nasa room ng III-2, ang room na pinakaastig sa lahat ng seksyon sa third year, may damayan, tulungan at dala dala ang motto na “TEAMWORK TOWARDS EXCELLENCE” oh diba, dumadagundong, ang tawag nila sa kanilang adviser ay mommy Nova. Isang araw, nakasuhan ang kanilang seksyon dahil sa cheating sa MAPEH, kay mam Alta Gracia, hindi talaga lubos malaman ng lahat kung paano ang quiz ng 52 nilang magkaklase ay nasagutan lamang ng dalawang estudyante,. Kaya ayun, guidance ang lahat, damay-damay yan syempre.
Naging matibay ang samahan na tatlodoz, nagtutulungan pa rin sa lahat ng bagay at ipinagpatuloy ang masamang gawain.
Nagkaroon ng grupo-grupo sa tatlodoz, at syempre, papatalo ba ang tatlo?, sila ang unang nagsumite ng pangalan ng kanilang grupo sa tatlodoz, may ganun?.
“okay class, may paligsahan daw ng paggawa ng parol, para maging maayos ang sistema, Jennyleine ikaw ang bahala sa girls, at Carlo, aasign kita sa boys ha”, anunsyo ni mam nova sa III-2.
“yes mam”, at syempre, sinang-ayunan agad yun ni Carlo.
Nagset na agad ng date si Carlo para sa paggawa ng parol at napagdesisyunan na kela Anthony gagawa ng parol.
Tanghali ng linggo ng sinimulan nila ang paggawa ng parol. Kumuha muna sila ng mga gagamitin, sila ay sila Rollie, Aldrin, Rom, Richard at ang tatlong magkakaibigan.
Agad nilang sinimulan iyon, maggagabi na at tanging star pa lang ang kanilang nagagawa.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Anim na oras ang nakalipas pero walang makikita na kapaguran sa mga pawisang mukha at nangagalumatang mata. Napagpasiyahan nila na mag overnight sa bahay Culdora.
Gluestick doon.
Rugby diyan.
Gawgaw dito.
Singhot doon.
Mabusisi nilang ginawa ang parol. Ginawa nila lahat ng kanilang makakaya. Hanggang sa..
Tik tilaok!..
Unti-onti nang nawalan ng pag-asa ang mga mamamarol. May pasok pa sila sa araw na yun.
Buti na lamang at nandiyan si Robin Padilla upang ipaalala ang “think postive, wag kang aayaw”.
Natapos sila at na shock sa kanilang nakita.
Hindi isang parol ang kanilang nagawa kundi isang PAROL..!, isang giant parol ang kanilang nagawa. Nawala ng hirap at pagod nila dahil sa kanilang nakita.
Dinala nila ito sa school, kaya lang hindi naaprubahan na ipalit sa logo ng kanilang paaralan. Astig talaga.
“pasko na!.”
Masaya ang magkakaibigan Carthonian. Masayang masaya.
“guys Caroling maya ha!”, sabi ni Rollie.
Napagpasyahan na sumama ng carthonian sa caroling.
Napakasaya ng mga sandaling iyon.
Napakasaya ng tatlodoz.
Napakasaya.
Heaven.

2009 na!
Tuloy pa rin ang ordinaryong pasok ng tatlodoz.
“okay class, gagawa kayo ng project sa Araling Panlipunan”, wika ni mam AP.
Napagpasyahan ng tatlo na sila ang maggrupo kaya lang kulang pa ng isa. Niyaya nila si Warren at Jeffrey kaya lang hindi sumang-ayon si Anthony dahil sa pagiging hindi normal ng mga ito.
Kaya si Japhet at Joshua ang kanilang naisipang igrupo. Si Japhet mabait at banal. Labag man sa kalooban ng dalawang niyaya ay no choice na rin sila kaya tinanggap na nila ang alok.
Napagpasyan ng lima na gumawa ng project kila Anthony, kaya lang hindi daw makakasama si Christian at Joshua dahil sila ay may Jamming. Kaya tinuloy nalang nila Carlo, Anthony at Japhet ang project. Tinamad na rin sila kaya napagpasyahan na maglaro na lang ng GTA San Andreas kila Anthony.
Pagkalipas ng ilang araw na paggawa ng project, naging close sa isa’t isa ang lima.
Close.
Open.
Closed.
Isang araw, nakitext si joshua ka Christian.
Hindi na nakita ni Joshua na nagreply ang tinext niya, nabasa ito ni Christian at ipinabasa din kay Carlo at Anthony.
Isang napakahalaga at kontrobersiyang pahayag ang kanilang nabasa.
At dahil diyan, nag-imbestiga ang tatlo.
Napag-alaman nila na…(secret na yun..)
At umamin naman si Joshua at lalong nagpatibay sa samahan ng lima. Kinalimutan nila ang nangyari dahil silang lima naman ay ganun din.
At gumawa sila ng pangalan ng kanilang grupo.
Hindi nila itinuloy ang unang napag-usapang pangalan dahil medyo bastos sa pandinig, kaya ang naging pangalan nila ay CANTHOSHETXIAN, hango sa pinagdikit dkit na kanilang pangalan.
Naging maayos ang kanilang samahan, laging magkakasama, mula pasukan hanggang uwian, madalas ang jamming sa room na ikinadadahilan ng pagkaistorbo sa ibang klase.
Hanggang sa..
“pinapatawag daw po ni mam Oracion sila Japhet, joshua, Christian, Anthony at Carlo sa Guidance”, sabi ng isang estudyanteng napag-utusan.
“ano namang atraso niyong lima ha?, Ge Labas”, sabi ni mam Nova.
Tumungo ang lima sa guidance office at hinintay ang pagdating ni mam oracion.
Dumating si mam Oracion sa Gidance.
“kayo ha!, binabastos niyo ba ako?, ba’t niyo ako pinalakpakan kahapon?.” Sabi nya.
“mam, hindi naman po talaga kayo yun mam eh, si Japhet po talaga pinapalakpakan namin eh,” sani ni Joshua.
“Ay ewan ko sainio, bumalik kayo bukas dito!, may papagawa ako!”, eka ni mam oracion.
Kinabukasan.
“oh yan!, kabit nyo ang lahat ng yan sa buong Rosepack”,sabi ni mam Oracion.
At ayun pinagkabit lang naman sila ng halos 1036 pieces ng heart sa Rosepack dahil malapit na ang Valentines. Sabit dito, kabit diyan, tali doon.. at matapos ang halos isang araw na pagkakabit, natapos din nila. Masaya sila kahit mahirap. Dahil sa magkakasama silang lima. At sila’y umuwi na rin at napagpasyahang takbuhan na si mam Oracion.
Kinabukasan.
Nakita ni mam Oracion ang lima.
“hoy!, bakit hindi niyo kinabitan yung tapat ng guidance?”, pasigaw na sabi ni mam Oracion.
At dahil doon, pinakabitan uli ni mam ng puso ang building sa araw na yun.
Natapos na rin ang atraso ng lima sa gurong iyon ngunit sila’y laging tinatawag kapag may ipagagawa pero syempre, dahil likas na matulungin ang lima, hindi nila sinusunod yun.
Lumipas ang masasayang araw ng lima, lagi silang magkakasama, magkakausap, magkakantahan, magkakakopyahan.
Hanggang sa..
Napansin ng apat na tila hindi na sumasama si Japhet sa kanila.
Kinausap ito ni Joshua.
“ano ba talaga ang problema at hindi ka na sumama samin?”, mahinahong tanong ni Joshua.
“iba kasi ako sainyo, tsaka ayoko ng ganung pag-uugali, aalis na ako sa grupo niyo.”malupit na binitawan ni Japhet ang mga katagang dumurog sa puso at dalang candy ni Joshua.
“ah ganun ba?.okay”., sabi ni Joshua at sabay alis sa upuan na Vinandalan nya kani-kanina..
Agad pinuntahan ni Josh ang tatlo at sinabi ang naging pahayag ni Japhet.
Pagkatapos niyang sabihin iyon sa tatlo ay dedma lang sila.
“hindi siya kawalan”, sabi ni Anthony.
“pag inalis natin yung pag-uugali nating yun, hindi na tayo yung grupong yun”, sabi ni Carlo.
“oo nga, kaya nga tayo nakilala dahil sa pag-uugaling ganun eh”, dagdag ni Joshua.
“so pano? Apat na lang tayo?”, sabi ni Christian.
“oo, isa lang naman ang nawala eh.”, sabi ni Josh.
At tuluyan nang nawala si Japhet sa kanilang grupo. Sumama sa ibang grupo si Japhet, dun sa mga kabaitang bata. Dun sa grupong nagngangalang TENDELUZTA. At syempre dahil sa nagkulang na sila, kailangan na nilang ulit palitan ang pangalan ng kanilang grupo. CarThOshXian ang ipinalit nila hango ulit sa kanilang pangalang apat.
May isang babaeng nagngangalang Merylle Joyce Espano na dating nakaugnayan ni Carlo noong elementarya ang ngayo’y nagkaproblema sa grupo niyang BigBangsz- grupo ng apat na echusera at sosyalistang froglets, dahil sa hindi pagkakaunawan, mas pinili ni Merylle na lumayo muna sa grupong iyon, lumapit siya sa apat na magkakaibigan, doon inalok nila ito ng maiinom.
Dahil sa kalungkutan ni Merylle, isinama ng apat si Merylle sa kanilang grupo upang maging Boys Over flowers daw. Pinalitan nila ulit ang pangalan ng kanilang grupo ng CaRylThOshXian na hango uli sa kanilang mga pangalan. Itinaga nila ito sa isang pamaypay at isinulat doon ang kanilang mga kasunduan kasama na ang quote na “we are still adopting friendless people”.
Nadamay tuloy sa away ang apat na lalaki sa away ng Bigbangsz. Sinubukan nilang pumagitan kaya lang sila pa ang naging masama.
Lumipas ang oras at natutunan din nilang maging mapagkumbaba, nagpasensyahan sila sa isa’t isa. At bumalik ang grupong Bigbangsz.
Nawala si merylle sa kanilang grupo, kaya bumalik sa dating pangalan na CarThOshXian ang pangalan ng kanilang grupo.
“so sa darating na biyernes ay gaganapin na ang pinakakaabangan niyo na Juniors Night!”, sabi ng kanilang guro.
“wwwoooohhh!!,,excited na kami!!”, nagtilian ang mga estudyante, ang buong tatlodoz.
Excited ang lahat kabilang na ang apat na magkaibigan.
Sumapit ang araw ng biyernes, at maagang gumayak ang apat, napagpasyahan nilang magkitakita sa 7eleven.
Naunang dumating si Carlo, sumunod si Anthony, si Christian at si Joshua.
Pumunta na silang apat sa jica coliseum. Magkakatabi sa daan at naghihintay ng titili sa kanilang apat ngunit walang tumili kahit isa. Nakarating na sila sa destinasyon. Nagkita kita sila ng kanilang mga kaklase na handang handa na para sa kanilang kauna-unahang prom.
“pasok na po lahat sa loob”, sigaw ng guard ng sa gate.
“tara tol pasok na tayo!”,sigaw ni Christian sa mga kaibigan.
Naupo na ang tatlo sa lugar ng III-2 samantalang si Christian ay pumunta na sa baba kasama si Irene upang makipagkita sa kanilang mga co-contestant para sa Mr. and Ms. Junior, wala na kasing mapili sa Section 2 kaya si Christian na lang ang isinabak sa paligsahan.
Noong gabing yun ay napakasaya ng apat. Natapos na ang pagkain ng Jollibee, pagsayaw ng mga qoutillioners awarding ng mga panalo sa pageant at ilang beses na pag announce ng mga tsinelas na nawawala.
“and now!, we officially open the dance floor”, sabi ng master of ceremony.
“hoooohhhhoohhh!!”, malakas na tilian ng mga batang sabik na sabik na sumayaw.
Wala pang gustong pumunta sa unahan dahil sa nahihiya sila. Hanggang sa may dalawa na sumayaw sa gitna, isang 4th year na kamukha ni Jollibee. Marami ang napabalitang sumuka sa tagpong iyon habang sumasayaw ang 4th year na yon.
Hanggang sa tumunog na ang mga kantang sweet. May isang pares na gumitna, na sinundan pa ng isa, at isa, at isa pa. hanggang sa napuno na dance floor. Niyaya na rin ng apat na magkakaibigan ang nais nilang mga isayaw.
Si Carlo, isinayaw ang girlfriend nyang si Sarah Jane. Si Anthony, hiniram si Carol Fe sa kasayaw nitong si Jomari. Si Christian isinayaw ang ex nitong si Irene at si Joshua, pumorma naman kay Merylle Joyce na dati nilang kagrupo.
Naging masaya ang apat, marami silang naisayaw maliban lang ka Carlo na buong gabi kasayaw ang Girlfriend niya.
Parang ayaw na nilang matapos pa ang gabing yun hanggang sa tumugtog na ang huling kanta. Nilapitan na nila ang huli nilang isasayaw.
Hanggang sa...natapos na ng tuluyan ang napakamakabuluhang gabing iyon.
Nagsipag-uwi na ang lahat sa kani-kanilang mga tahanan.
Kapwa may mga ngiti sa mga mukha at iniwan na nila ang kanilang mga mahal at mga kaibigan.
Pagkatapos ng prom na yun ay hindi na maialis ang ngiti sa mga muka ng tatlodoz. Napakasaya kasi.. Uber.!
Dahil sa pagiging sooper close ng seksyon ng TatloDoz na kinabibilangan ng CarThosHXian, Hirap sila kapag nahiwalay sa mga ito.
At yun na nga. Dumating ang pinakahuling araw ng Juniors life. Gumawa sila ng sarili nilang Farewell party sa Rosepack kahit wala nang pasok nung araw na yun. Sinimulan ni Nath ang ang palatuntunan. Hanggang sa nagbigayan na ng mga sash at trophies na gawa rin nila. Pinanuod nila ang movie na ginawa ni Nath na nagpa-inspire sa lahat. Nakakaiyak habang pinapanuod yun kasama ang Tatlodoz at ang kanilang Mommy Nova.
Natapos ang party pero simula pa lang yun ng mas masaya at mas magulong kaganapan. Kasama ang lahat, nagyaya si Manaluz ng kaunting salu-salo sa kanilang tahanan. Sumama ang CarThOshXian maliban kay Joshua na umuwi na dahil sumasakit na raw ang kaniyang tiyan. Alam na.
Nilakad ng lahat ang landasin papunta sa patutunguhan. Halos lahat ng puno ata ay kanilang pinagpicturan. Ang saya ng bawat sandali. Sobra.
Hanggang sa nakarating na sila sa dapat puntahan. Nakapila sila papunta sa bahay. Pinagtitinginan sila ng mga tao doon dahil inakala nilang mga abnormal na mga bata.
At yun. Inilabas ang mga pagkain at ang pitsel at ang dalawang baso. At alam niyo na ang kasunod. Isang malawakang inuman na nauwi sa kantahan at pagsusuka.
Lumalim ang gabi at lumalim na rin ang kanilang mga lalamunan kakainom. Napagpasyahan na nilang itigil yun at umuwi na. Sa tapat ng Don Mariano ay nag-usap usap muna sila at nag-iyakan. Napakasaya ng sandaling iyon nang, “hoy!, magsipaguwi na kayo!”, sabi ng isang tricycle driver sa di kalayuan.
“Close tayo”, sagot ni Rollie sa driver.
At isa-isa na ngang hinarap ng bawat indibidwal ang katotohanan, natapos na ang taon ng 3rd year. Tapos na.
Ngunit simula pa lang sa buhay ng CarThOshXian, kwento nga pala nila ‘to, bat nafocus sa TatloDoz?.
Bagamat naging masaya sa apat ang naging bakasyon nila. Hindi pa rin maiiwasan na mamiss nila kahit papaano ang bawat isa. Di nga?. Oo, dahil wala na silang mabatukan.
Kuhaan ng Card ng nagkita kita uli ang apat. Hindi na sila nagulat sa nakita nila na section sa card nila dahil pare-parehas lang naman sila ng grade dahil pare-parehas din ang mga sagot nila sa mga quiz. So. Ayun. Four Two na sila.
Enrollment.
Nagkakita-kita uli sila, si Joshua na may kulay ang buhok ay hindi pinayagang makapag-enroll kaya naghanap sila ni Carlo ng Parlor na nagkukulay.
Pumasok sila sa isang parlor at sinabing 400 pesos daw. “sandali lang po ha tanong ko lang sa kasama ko”, sabi ni Joshua sa baklang parlorista sabay sibat sa naturang parlor. Napakamahal naman kasi. Sumunod naman ay sa RD. Pumasok sila sa isa pang parlor at tinanong nila kung magkano. Hindi sumagot ang baklang parlorista, inilagay niya lang ang daliri niya sa bibig niya. Natakot sila ni Joshua at tumakbo palabas. “bwisit yung bayot na yun ha”, sabi ni Carlo.
Nawalan na nang pag-asa si Joshua. Inisip niya na ilublob na lang sa burak ang kanyang buhok pero buti na lang nandyan ang Mercury Drug na open 24 hours na may tindang pangkulay ng hair. Tumakbo si Joshua at Carlo papuntang school at nalaman nilang pwede na palang mag-enroll kahit may kulay ang hair. Kamuntikan nang mapamura si Joshua.
Nakita ng apat na magkakaibigan ang listahan ng Four Two, nabasa nila ang mga pangalan ng mga babae na magiging kaklase nila.
“magiging masaya ‘tong school year na ‘to”, sabi ni Carlo.
“panigurado”, sunod ni Anthony.
“sana nga”, sabat ni Christian.
“tatae ko, uwi na tayo”, panira ni Joshua.
..
..
At umuwi na sila.


WINTER


Woooosshhhhh..

Tunog ng hangin ng isang umaga ng Hunyo taong 2009.
Maagang gumising ang mga kabataan dahil ito’y unang araw na naman ng pasukan.
Kakatayo pa lang sa higaan ni Carlo nang nagtext na sakanya ang kaniyang mga kaibigan. Handa nang umalis ng kanyang tahanan si Anthony. Si Christian ay nakasakay na ng tricycle at si Joshua, masayang humihilik pa.
Pang-umaga ang mga mag-aaral na Fourth Year. Bagay na nahirapan ang magkakaibigan dahil nasanay sila na panghapon na pasok.
Halos magkakasunod lang sila pumasok ng school. Sila’y nagkita kita at syempre nagchikkahan to the max. Kinamusta ang ibang mga dati nang kaklase.
Ding dong. Ding dong. Doorbell nang school na senyales ng simula ng klase. Ding dong “dantes”, dagdag ng isang estudyante.
Natapos ang unang seremonya. Bumati ang principal at pagkatapos ay pumasok na kami sa silid aralan.
“My name is Ms. Evelyn T. Tanangonan”, ani ng aming adbayser. “My surname pronounce as TA-NANG-GO-NAN. Not tanganonan”, dagdag pa niya na ikinatawa ng mga four two.
Mabait naman ang aming naging adviser, masayahin at madaling maging sipsip. Yeah. Rock On!.
“Okay class!. Magpakilala kayo lahat in front of your classmates ha, let’s start”, sabi ni mam Tanangonan.
As always. Umiral na naman ang pagiging makapal ng apat na magkakaibigan. Naging maganda ang impresyon sa kanila ng kanilang mga kaeskwela at kanilang mga guro.
Lumipas ang mga ilang araw at ilang uka ang kanilang naranasan. Nakilala naman sila sa room. Tulad ni Carlo na pang-3rd sa room sa dami ng late. Si Christian sa pagiging corny sa lahat ng bagay. Si Anthony sa pagiging patay na bata at si Joshua sa pagiging malibog. Oh diba?. Nakilala sila at tila naging mascot ng portu.
Naging masaya ang Four two. At pinangalanan nila ang seksyon nila ng portu. Yun lang. masaya eh.
Naging maayos ang ugnayan ng apat sa portu, nakipagkaibigan sila kaya lang ayaw silang kaibiganin dahil iba ang utak nila. Kaya yun. Papansin lagi.
Dahil sa kaboredan sa room dahil nag-out of town ang mga guro, naisipan nila Joshua, Carlo at Anthony na maglaro ng SOS. Ngunit nang nakita sila ni Christian, nagtampo ito kung bakit hindi siya isinali. “wag kang magulo d’yan ha!, baka gusto mong matanggal sa grupo?”, pasigaw na sinabi ni Carlo kay Christian. Mangiyak-ngiyak na nagwalkout si Christian. Seryoso siya, Nanlilisik ang mga mata, magkasalungat ang mga kilay, nakatikom ang bibig at sarado ang mga kamay. “OA ha!, wala kaming pake sayo wag kang umarte”, sabi ni Joshua. Lalong nagalit si Christian at pumunta sa malayo.
Pinagtawanan ng tatlo si Christian, vinivideohan pa ng mga ito si Christian.
Naayos lang ang lahat nang nanghingi ng ¼ si Christian kay Joshua dahil wala na siyang mahingian. No choice eh.
Click!.
Click.!
Click.!
Walang hilig sa picturan ang apat sa totoo nya’y nakakubos lang naman sila ng 5900 shots per day, hindi pa kasama diyan ang mga stolen shots. Yun ang ikinabubuhay nila. Maaari silang hindi kumain sa isang araw ngunit ang hindi magpapicture sa isang araw ay malabong mangyari. Halos lahat ng may cellphone na de kamera ay may picture nila. Dahil nga likas sa kanila ang pagiging photogenic.
Ngunit hindi lang sa mga kalokohan kilala ang apat, matataas ang nakukuha nila kapag magkakasama silang apat isa na dito nang nanalo sila kasama ang ilang portu sa Jingle Making Contest sa T.L.E.. Astig yun. Achievement. Marami pa pero mahirap isa-isahin ang iisa lang.
Lumipas ang mga araw.
Araw.
Buwan.
Bituin?.
“happy Birthday Anthony!”, bati ni Anthony sakanyang sarili dahil walang nakakalam na birthday niya pala. September 16.. ay 20 pala..ano nga ba?. 19. Ah hindi 18. 18 nga ba?. Ay uu nga. Ayun hindi man lamang siya nanglibre kahit kendi. Daya ah.
Malungkot siya sa naging kaarawan niya dahil walang bumati pero buti na lang at may bumati daw sakanya sa friendster, kaya ayun naging masaya siya, nanlibre siya kinabukasan.
Sumunod naman na may kaarawan ay si Carlo.Nov 12. Nagpalate siya para may twist, pero wala lang. Walang bumabati sakanya. Nang recess na nang lapitan siya ng mga kaibigan at hinatak pababa. At ayun inubos lang naman ang tinda ng canteen. Pagkatapos nun tsaka lang siya binate ng Happy Birthday!, ayos ha. Yun ang kaibigan.
Malungkot din ang naging kaarawan niya pero buti nalang may nagbigay sakanya ng gift mula sa ispesyal na tao. Kaya yon, nagpainom kinagabihan.
Masaya ang magkakaibigan, masaya lalo na pag magkakasama, lalo na nung nagyaya si Nath- (president ng portu na mukang kambing dahil sa basbas) na manood ng sine. Sumama ang magkakaibigan maliban kay Joshua NA NAMAN dahil may gagawin daw siya. Sa Sta. Lucia sila nanuod kasama ang ibang portu. No Girls Allowed ang sistema. Si Nath na nagyaya manuod ay wala palang pera at nagutang kay Anthony. Nanuod sila ng 2012, oh diba, end of the world. Naging masaya sila lalo na si Christian na ngayon lang nakapasok ng sinehan. Natapos ang palabas at natapos na rin ang paghihirap na nararamdaman ni Carlo kakapigil sa kanyang pagihi.
Natapos.
Natapos.
Natapon.
Nakaligtas sa panlilibre si Joshua dahil sabado ang kanyang kaarawan. Madaya eh. Kainis.
Magpapasko na naman!. Wala na namang pera ang magkakaibigan. Sila katulong ang iba ay nag-usap para sa gagawing KRIS KRINGLE. “masarap ba yun?.”, tanong ng isang bobong kaklase.
“Hindi pagkain yun.! Magbubunutan tayo tapos kung sino nabunot niyo is bibigyan niyo ng gift”, sabi ng president. “aaaahhh, in short, panibagong gastusin”, dagdag ng isang kuripoting magaaral. Sa halip na bumunot ay tiningnan nalang ng isa-isa ang mga pangalan at namili kung sino ang gusto ng mga magkakaibigan. Pinili nila syempre ang kanilang mga minamahal. Naibigay naman nila ito ng maayos, nagbunutan uli at dahil panget ang kanilang mga nabunot na pangalan, hindi na sila nagaksayang magbigay ng regalo. At dun natapos ang kris kringle.
Nasangkot si Christian at Carlo at ilang mag-aaral sa Bagong Cainta Scandal, dahil sa hindi pagsipot sa praktis ng sayaw. Umugong ang kanilang mga pangalan sa bawat sulok ng Rosepack dahil sa pangyayaring yun, hindi na raw sila makakaattend ng kahit anong event ng school.. So?. Ano ngayon?. Kaya ‘yon , wala lang ‘yon syempre para sa ating mga bida. Para may madagdag lang na kwento.
Bday ni Christian, nang halos walang nangyari maliban sa pagbatok sa batok niya at sabay bati.yun lang.
“okay class, sa huwebes na ang ating Christmas Party!, civilian daw”, banggit ni mam Tanangonan.
Naghanda ang lahat para sa Christmas Party. Sumali sa sayaw ang apat at pati sa Talong game.
Masaya ang naging simula, mula sa pagsundo ng mga boys ng portu mula sa baba hanggang sa room kay mam na kanina lang eh galit na galit, hanggang sa mga speeches, games, movie presentation hanggang sa napansin ni mam na wala pala kaming pagkain. Masaya ang lahat kahit gutom. Nagyakapan muna ang lahat bago umalis. At hanggang sa nagbanggitan na ng babay.
Kanya-kanyang gala na, ang magkakaibigan ay pumunta kala Joshua maliban kay Carlo, maglalaro sila ng basketball, ngunit nakalimutan ni Joshua na wala pala silang bola. Kaya yon, nauwi rin sila sa uwian. Habang si Carlo ay mahimbing na ang pagkakatulog.
Napakahaaaaaaaaaaabba nang naging bakasyon. Isang araw naisipan pumunta ni Anthony kela Carlo at niyaya nito na magbike. Pinuntahan nila ang mga bahay ng kanilang mga kaeskwela, pinuntahan nila si Joshua ngunit wala raw ito sa kanilang bahay. Si Christian naman ang pinuntahan nila sa Singer, napakalayo at napakataas nito, siguro ay nasa 74° ang kalsada doon. Nang naabot nila ang tahanan nila Christian. “wala deyan se xian!, andon sa kompyoter shap”, sabi ng isang bisayang bunging tambay malapit sa bahay nila. Pinuntahan nila si Xian sa Computer shop sa tuktok ng bundok. At pagkatapos makita at painumin ng RC na di malamig ay pinauwi na rin sila. At ayun, umuwi na sila. Umuwi na.
Jan. 4, pasukan naman at bagong taon na naman. Muli na naman nagkita kita ang magkakaibigan.
“okay class, ano ang mga naging new year’s resolution niyo ngayong taon na na ‘to?”, tanong ni mam Villaran na pinsan ni Manny Villaran. Kitang kita ng madla ang pagdidirty finger ni Joshua sa nasabing guro, wala naming nagbago sa apat na magkakaibigan. Ganun pa rin sila tulad ng dati. Mas gumwapo lang ng onti, onti lang.
“Magbayad na kayo class ng mga bayarin sa school ha.!”, sabi ng kanlang adviser. Pero dahil likas na makunat ang magkakaibigan, hindi sila magbabayad hangga’t hindi a deadline. Pero dahil mapagbigay naman sila, nagbabayad din naman sila kapag pinipilit na sila.
“Ui, ano cocollect mo sa recollection?”, tanong ng bobong si Anthony sa mga people. “Stones sakin”, patol nang isa pang bobo na si Christian.
January 8,2010 natapat ang araw ng kanilang Recollection.
Maagang nagsipaghanda ang magkakaibigan. Excited sila kahit hindi talaga alam ang ibigsabihin ng Recollection. At syempre, nagsama ang apat, naghanap ng camerang maaarbor, ngunit walang nagpahiram dahil alam nilang lolowbatin nila yun.
“Ayan na yung jeep!”, sigaw ni Ricardo sa mga kaklase. “ano naman?, ngayon ka lang ba nakakita ng jeep?”, sagot ni Gian kay Ricardo.
“Oh mga boys muna ang mauna sa jeep!”, sabi ng kanilang tagapayo. At dahil mababait sila at iniisip nila ang kapakanan ng iba, napagpasyahan na ng apat na mauna at wag na pakealamanan ang iba.
Masaya ang bawat kaganapan sa jeep, magkakatabi ang tatlo ngunit si Carlo ay nasa pinto ng jeep dahil dead na sa “trip to Jerusalem”. Walang putol ang tawanan, masaya ang lahat na kamuntikan na ikahulog ni Richard sa labas ng jeep.
Nakarating na sila sa lugar, St. Michael Seminary sa Antipolo City. Pagkatapak na pagkatapak pa lang sa lupa ay naglabasan na ng camera at kaniya-kaniyang kuha na sila. “four two wag lalayo masya-”, hindi pa man natapos ang sasabihin ng kanilang adviser ay layu- layo na sila para magpicturan. Akma ang lugar para sa kanila, para sa kanilang mahilig sa pagkuha ng litrato.
“Guys lapit na daw dito sabi ni mam!”, sabi ni Paula na peborit si pooh na jowa ni Christian. Nagsipaglapitan na sila at pinapasok na sa loob ng seminar room.
Nagtabi-tabi ang apat siyempre, bagamat mga walang pagkain at tanging wafer na dala lamang ni Joshua.
At nakatabi nila si Ian dahil may dala itong pagkain at isang babae na tiga ibang section na amoy ampalaya sabi ni Christian.
Maganda ang naging simula ng recollection, laging nagpapatawa ang speaker na kamukha daw ni Jollibee, pero dahil sanay na ang apat sa mga joke na yun, hindi na sila natatawa, sa halip ay minumura na lang ito ng pabulong.
Pero habang tumatagal ay tila nauunawaan na nila kung bakit sila nandoon. Isa isa nang tumatama sa kanila ang mga salita, pero isa- isa rin nila iyong iniiwasan.
Nang binuksan na ni kuya Joshue ang topic sa pamilya, marami na ang hindi nakailag sa patama ng katotohanan. Isa na nga si Joshua na wala na ang pinakamamahal na ama, at isa, dalawa, tatlo, tatlong luha ang nakitang nahulog mula sa mata ni Joshua at agad kinomfort nang magkakaibigan. At isa dalawa tatlo, tatlong tulo ng sipon ang tumulo mula rin sakanya kaya nagsipag upo na rin agad ang tatlo.
Maraming nabanggit ang speaker, mga bagay na hindi kayang tanggapin nang tulad nilang nasanay sa mundong puno ng kalokohan.
“okay dahil tanghali na, kakain na tayo!”, sabi ni kuya Joshue na halatang gutom na rin. Malakas ang tilian ng lahat na rinig hanggang Cainta.
“Oy sama sama tayong apat ha”, sabi ni Carlo.
Pagkarating sa lugar ng pagkakainan ay hindi na nila naisip na magsasama dahil ang nasa isip ng apat ay pagkain, maraming pagkain.
At pagkatapos ng tatlong balik ng kanin, tatlong lumpiang shanghai, menudo, soup at tubig na lasang fountain, solb, solb na solb ang apat at tumayo na mula sa pinagkakaupuan.
Nagkaroon sila ng picture taking at siyempre hindi papatalo ang apat, na bagamat walang dalang camera ay pinakamarami pa ring kuha sa lahat.
Bumalik na ang lahat sa seminar room kabilang ang apat.
Muling nagtabi-tabi ang apat. Pareho ng ayos. Parehong mga busog ngunit iba nang mukha ang nakita nila sa harap. Si kuya Roy na ang pumalit na speaker.
Naging masaya ang kwento niya at natuto na ring makisabay sa tawa ang apat upang hind imaging KJ.
Naging sentro ng usapan ang tungkol sa pagiging highschool student na kung saan bandang huli ay maghihiwa-hiwalay din ang lahat. Halos lahat ay tapul sa mga pahayag ni kuya Roy at maging ang apat ay natamaan.
Pinagsulat kami ni kuya Roy isa-isa ng gusto namin bigyan ng hope, sabihan ng sorry’ sabihan ng thank you at yung close to their heart.
Silang apat ay nakatanggap ng sulat, karamihan kulay yellow na nagsisimbolo ng reconciliation. At ang pula na nagsismbolo ng close to the heart ay ibinigay nila sa kanilang minamahal. Si Joshua sa GF niyang si Merylle, si Christian sa Gf niya ring si Paula, si Anthony sa nakaugnayan niyang si Carol at si Carlo mas pinili na lang na itago ang pulang sulat na sana’y kay Abby niya ibibigay na crush niya.
Dumating na sa huling part, pinatayo ang lahat. Pinagawa ng bilog lahat kada section. Nagtabi-tabi ang apat. Magkakahawak kamay. Ipinikit ng lahat ang kanilang mga mata. Nagsimulang tumugtog ang speaker. At nagsalitang dahan dahan si kuya Roy.
Hikbi.
Singhot.
Sinok.
At tumulo na mula sa mata ng bawat isa ang luha na sana’y hindi babagsak kung hindi naramdaman ang sobrang pagkalungkot.
Umiyak ang karamihan, kabilang ang apat na magkakaibigan, madalas silang magloko, pero sa mga oras na ‘to, totoong totoo, walang halong biro. Kusang tumulo ang mga luha mula sa kanilang mga mata.
Hindi na halos makayanan ng bawat isa ang sakit ng katotohanan. Kaya’t nang natapos, kanya-kanyang yakap sa bawat isa. Ang apat nagyakapan, nagyakapan na tila magkakapatid na magkakahiwalay.
Natapos ang lahat. Natapos ang recollection pero hindi natapos ang katotohanang bumalot sa bawat isa.
“okay class, mauna na ang mga lalake sa jeep ha”, sabi ni mam Tanangonan.
Sumakay na ang mga kalalakihan sa Jeep ngunit nagpaiwan si Josh upang samahan ang kaniyang GF na si Merylle.
Nakauwi ang lahat. Kabilang ang apat.



“Joshua nasaan na ang Form 137 mo?” kailangan na sa Office yun.”, tanong ni Mam Tanangonan kay Joshua.
Lumapit si Joshua upang magpaliwanag. “mam kasi po inaasikaso pa po ni mommy eh.” sagot niya aman sa guro.
Yan ang gumugulo sa utak ni Joshua, dahil hindi pa makuha ang kaniyang Form 137 sa dating school niya. At araw araw ding palusot ang kaniyang sinasabi.
Kaya naglunsad ang portu ng “program for a cause” para kay Joshua, layon na makalikom ng kaunting tulong para sakanya. Nagbenta sila ng ticket sa mga mag-aaral upang makapanood ng mga iba’t ibang talento.
Dahil wala siyang alam. Siya ang unang nagrepresinta na magpakita ng talent. Siya rin ang unang nagbayad. Angas ah.
At sa araw ng programa, dahil hindi napaghandaan ng apat na magperform. On the spot ang kanilang ginawa. Bagong bago ang kanilang ginawa. Ang kumanta habang naggigitara si Josh.
Dahil likas sa kanila ang pagiging makapal. Kung anu anong pakulo muna ang ginawa nila at..
“lagi kitang naiisip…”, kumanta si Anthony ng Ikaw na nga. Kinilig ang lahat, lumapit siya kay Ricardo na napabalitaang may gusto raw sakanya. “lift your head..”, si Christian naman ang bumanat. Lumapit sa pinakamamahal niyang GF na si Paula. “you’re my piece of mind..” tilian ang lahat dahil alam nila kung kanino ito idenededicate ni Carlo. Lumapit siya kay Marinella na nililigawan niya. Lumayo ito at bumalik na si Carlo sa unahan. At “uso pa ba ang harana”, birit ni Joshua. Akala nang lahat ay kung anung bagong kanta pero luma na pala, bagay sa kaniyang mukha. Luma.
Naging maganda ang presentasyon, binigyan sila ng standing ovation kahit joke lang ‘yon.

Si Joshua may Merylle Joyce na.
Si Christian may Paula na.
Si Carlo may Marinella na.
Eh si Anthony..? ayun umaasa pa rin sa Camyl niya, nakilala niya lang sa text na kapitbahay nila Christian. Hindi sila magtagpo dahil wala pang pera si Anthony. Yun ang sabi niya.
Dahil sa nagkaroon na ng mga GF ang tatlo, lagi na nila iyong kasama, minsan na lang silang magsamang apat. Si Anthony, mag-isa na lang. Minsan nga raw nakikita pa itong nagsasalita ng walang kausap.
“ok Four two sa February 12 na ang inyong Js Prom ha”, banggit ni Mam Tanangonan sa kaniyang klase. At ayon na ang pinakahihintay ng lahat kabilang ng apat.
“kailangan natin ng representative for the Pageant from our room.” Dagdag niya.
Pagkatapos ng maraming piliian, napagdesisyunan ng lahat na si Merylle sa babae at si Joshua sa lalaki. Kahit walang pera si Joshua ay agad niya itong inoohan dahil malakas ang kaniyang paninindigan na mananalo.
itutuloy ....

1st Entry

Umaga ng Agosto 29 nang maagang nagising si Carlo. Mga 4:00. Nag OL si Carlo. Gising din pala si Joshua noong mga oras na yun at kasalukuyang On-Line at nanonood ng Porn. Chinat nya si Carlo. At eto na ang mga sumunod na nagyari...


27 minutes ago
Joshua Alfaro
anung pwedeng gawin ngayon maliban sa manood ng bold?
hhahah
..
26 minutes ago
Carlo Dayto
haha. tol gawa tayo ng blog nila pato at xian.
..
26 minutes ago
Joshua Alfaro
saan?
FB or website
..
25 minutes ago
Carlo Dayto
blogger dre. haha. para sumikat tayo.
..
25 minutes ago
Joshua Alfaro
sge. ano ba yun? saan ginagawa yung blog?
tra
..
25 minutes ago
Joshua Alfaro
gawa na
tangina
para di naman nakahinayang tayong apat
parang wala e
walang kwenta talaga yung 2 e
HAHA
..
24 minutes ago
Carlo Dayto
hahaha. nakarinig lang ng sikat.
..
24 minutes ago
Joshua Alfaro
saan ba?
gagawa nun?
..
24 minutes ago
Carlo Dayto
nakausap ko na si pato about dun. OKAY naman daw.
http://jokelangseryosoako.blogspot.com/
check mo blog ko.
parang ganyan.
san kaya mganda tungkol yung blog natin?
..
23 minutes ago
Joshua Alfaro
tayong apat nalang
ang haba ng ginawa mo
haha
..
22 minutes ago
Carlo Dayto
about saan nga gagawin natin?
porn?
..
21 minutes ago
Joshua Alfaro
about sa ... ewan ko. saan ba? wait
nagiisip ang matalino
..
21 minutes ago
Carlo Dayto
bwahaha.
..
21 minutes ago
Joshua Alfaro
about sa lovelyf?
haha
o panget?
pano ka nakagawa nun?
ang haba a
..
20 minutes ago
Carlo Dayto
pwede mga pogi tips dre.
o kaya naman pan'chicks.
..
19 minutes ago
Joshua Alfaro
sge
pwede
ganun nga
haha
pano ba?
..
19 minutes ago
Carlo Dayto
pagaralan mo muna yung blogger dre.
..
19 minutes ago
Joshua Alfaro
dapat isang page lang tayong apat
..
19 minutes ago
Carlo Dayto
madali lang yan.
..
19 minutes ago
Joshua Alfaro
wag yung katulad sayo
ang haba
..
19 minutes ago
Carlo Dayto
uu. isang blog lang tayo lahat.
..
18 minutes ago
Joshua Alfaro
sge
..
18 minutes ago
Carlo Dayto
gagawa akong account.
tas bigay ko sainyo eadd and pw.
..
18 minutes ago
Joshua Alfaro
paano ba?
nakagawa na ko
hahaha
ngayon na natin simulan
pampaantok ko
hahaa
sge
e pano magiging apat ang pangalan?
hahaha
..
18 minutes ago
Carlo Dayto
syempre tol pagkakalat mo sa mga fans mo yung blog natin para dami followers.
madali lang yan.
..
17 minutes ago
Joshua Alfaro
hahaha
..
17 minutes ago
Carlo Dayto
ano gusto mong pangalan ng blog?
..
16 minutes ago
Joshua Alfaro
ako bahala
basic dr
wait loading ang utak
wala akong maisip na kakornihan
hahaha
four idiots
hahaha
..
16 minutes ago
Carlo Dayto
ayan.
pwede yan.
..
16 minutes ago
Joshua Alfaro
ano yung address?
..
15 minutes ago
Carlo Dayto
kaso parang ang bobo natin.
..
15 minutes ago
Joshua Alfaro
hahaha
yun nga yun e
BOBO
hahaha
pero lumilikha ng mga alamat
haha
..
15 minutes ago
Carlo Dayto
wait. gumagawa pa ko. gawa ka muna ng group natin sa FB tol.
para may alam yung dalawang bobo.
..
14 minutes ago
Joshua Alfaro
sige
ako bahala
matutulog na muna ako
group diba?
tayong apat lang dun
..
13 minutes ago
Joshua Alfaro
natural
haha
..
12 minutes ago
Carlo Dayto
uu. HAHA. cge dre. ako na gagawa muna.
..
12 minutes ago
Joshua Alfaro
sge
gawa ka na group
..
12 minutes ago
Carlo Dayto
tapos tayong apat admin.
..
12 minutes ago
Joshua Alfaro
maaga ako gigising
..
12 minutes ago
Carlo Dayto
kaw magfacilitate.
..
12 minutes ago
Joshua Alfaro
mukhang ginanahan ako sa aking nalaman
hahaha
uu
..
12 minutes ago
Carlo Dayto
oyeaaaaaaaaaaa.
..
12 minutes ago
Joshua Alfaro
ako bahala
kahit 2 lang tayo gumawa
..
11 minutes ago
Carlo Dayto
rak on.
..
11 minutes ago
Joshua Alfaro
basta sila dagdag impormasyon
sge
..
11 minutes ago
Carlo Dayto
isip[ ka na pala ng mga ilalagay dun tol ha.
magtype ka ng panimulang speech para sa mga fans
tas post natin dun.


At jan nagsimula ang Bobong Blog na ito.
Mga batang pinagkaitan ng matinong pag-iisip at blogger ang napagtripan para may magawa at makilala. :] yea. Rak on. Keep on Reading Guys. Dafuq.